Sabado, Hulyo 2, 2016

WIKANG PAMBANSA


WIKANG PAMBANSA




WIKA ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa ating mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan natin sa pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa, sa komunidad, sa institusyon at maging sa dakilang Maykapal. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.

Kung walang ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang bawat mamamayan? Paano aya mapapabilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapapalapit ang tao sa isa't isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, kulay, ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang masagot ang lahat ng mga katanungan, Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang WIKA. 

Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang WIKA ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito sa isang paraan ng pakikipag-usap natin sa kapwa kundi ginagamit din natin ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong sa kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.

Naipadarama ng WIKA ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak. ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intensyon, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga, ang mga "hugot" lines na usong-uso ngayon at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.

Sa kabuuan, ang WIKA pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon at nagsisilbing mahalagang kasangkapan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento